Charice Pempengco gets standing ovations on Glee Season 2 Finale

Tumanggap ng standing ovation ang Pinay international singing sensation na si Charice dahil sa husay ng kanyang pag-awit sa Season 2 finale ng hit US musical series, na Glee.

Sa GMA news Saksi nitong Miyerkules, sinabing muling hinangaan ang pagbirit ni Charice sa kanyang role bilang si Sunshine Corazon, nang kantahin niya original song na, “As Long As You’re There."

Sa naturang final episode, nagharap sa national match ang grupong New Direction at ang karibal nitong Vocal Adrenaline, na kinaaniban ni Sunshine Corazon.

At sa husay ng pag-awit ni Charice, binigyan siya ng standing ovation ng mga manonood, pati na ang kanyang karibal na si Rachel Berry na ginampanan ni Lea Michelle.

Ang naturang episode ay ipinalabas sa ETC at Jack TV.

Source: http://www.gmanews.tv/story/221687/entertainment/charice-gets-standing-ovations-on-glee-season-2-finale

0 comments:

Post a Comment

Total Pageviews