Direktor ng Amaya: bumilib sa tapang ni Marian sa AHAS

Bukod sa husay sa pagganap, humanga si Direk Mac Alejandre sa tapang ni Marian Rivera na makaeksena at hawakan ang ahas na magiging kakambal ng aktres sa inaabangang epicseryeng, Amaya.

Sa ulat ni entertainment reporter Cata Tibayan, sinabing humanga ng husto si Direk Mac sa ipinakitang dedikasyon sa trabaho ni Marian – ang itinuturing Kapuso Primetime Queen.

“Ako takot sa ahas," pag-amin ni Direk Mac sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. “Malayo ako sa set kapag may ahas at ang instruction ko lagi, walang may ahas kasi takot sa ahas, siya (Marian) hindi."

Kailangan sa mga eksena ang mga ahas, pati na ang paghawak dito ni Marian dahil ang karakter niya bilang si Amaya ay may kakambal na ahas.

Papaano nga ba pinaghahandaan ni Marian na makaeksena ang mga ahas?

“In fairness nagkakaintihan kami. Nakita niyo me eksena na kausap ko siya… talagang nakatingin siya sa’ken," kuwento niya. “Kasi yung ahas na ‘yon bago pa ‘ko mag-take kinukuha ko na siya. Kumbaga hinahawakan ko na talagang pinapapalupot ko na sa’ken para masanay."

Samantala, sinabi naman ni Glaiza de Castro na hindi na lamang niya iniisip ang mga ahas kapag may eksena na kasama ang mga ito.

Si Glaiza ay gaganap na kapatid na prinsesa ni Amaya, at pangunahing kontrabida ni Marian.

Simula sa Lunes, mapapanood na gabi-gabi ang Amaya sa GMA 7.

Source: http://www.gmanews.tv/story/221906/entertainment/direktor-ng-amaya-bumilib-sa-tapang-ni-marian-rivera-sa-ahas

0 comments:

Post a Comment

Total Pageviews